Thursday, April 15, 2010

Pag ibig na pang habang buhay

“Pag Ibig Na Pang Habang Buhay”

Sa buhay natin minsan lang tayo dadaanan ng tunay na pag ibig kaya kapag ikaw ay dinalaw ng tunay na pag ibig, papasukin mo kagad ito sa iyong puso at ingatan ng lubos lubos. Ang tunay na pag ibig ay hindi natitinag ng kahit na anong klaseng pasakit. Maging malayo man kayo sa isa’t isa, kahit na hindi pa kayo nagkikita, kahit na nasaktan ka na niya dati, lahat yaon ay mabubura ng tunay na pag ibig. Malalaman ba nating “True love can never be render by life’s obstacles”.

Nagising ng maaga si Jade para pumasok sa isang kilalang unibersidad sa laguna. Si Jade ay ang kasintahan ni Alfred. Sila ay nagkakilala sa internet. Simula ng nagkakilala sila, ni isang beses hindi pa sila nakakapagkita ng personal. Pagdating ni Jade sa kayang unang klase sinalubong siya doon ni Yheng. Si Yheng ang bestfriend ni Jade simula grade one palang.

“Jade! Bilisan mo! Malalate tayo. May quiz daw ngaun sa botany sabi ni Paulene sa akin kanina” banggit ni yheng habang kinakaladkad sa pintuan si Jade. “Huh? Patay di ako nag aral!” himutok ni Jade habang kumukuha ng yellow pad. Pagkalipas ng ilang oras ng klase, sabay na umuwi sina Yheng, at Paulene. Pagkadating ni Jade sa bahay agad agad niyang tinext si Alfred at kinamusta ito.

Si Alfred ay panganay sa kanilang magkakapatid,Siya ay nasa Ikaapat na baitang palamang pero isa siyang matalino at masipag na estudyante. Lumaki sa isang pamilyang relihiyoso at pumapasok sa isang Catholic School. Pagkauwing pagkauwi ni Alfred ang una niyang ginawa ay tingnan ang kanyang cellphone dahil alam niyang nagtext na sa kanya ang kanyang girlfriend na si Jade. Isang gabi habang sila ay nagkwekwentuhan naalala ni Jade na may sem ender sila sa bulacan kung saan nakatira si Alfred. Nang nalaman ni Alfred na pupunta si Jade sa Bulacan at sa wakas sila ay magkikita na, halos tumalon ito sa tuwa sa sobrang excited na makasama ang kanyang pinakamamahal na si Jade. Ilang buwan ang lumipas at malapit na sila magkasama. Si Jade naman ay walang tigil sa pag papapaalala sa kanyang blockmate na si Cheche na wag kalimutan sabihin sa kanyang ate para makapagpaalam na ng maaga.

“Cheche, wag mong kalimutan ang sem ender natin ha! Naku excited na kasi ako. 3 days ba naman tayong nasa bulacan! Grabeh! Anu na ba sabi ng ate mo?” tanong ni Jade habang sinasamahang maglakas papuntang CEM building. “Huh? Naku hindi ko pa kasi natatanong pero hayaan mo malapit ko na siyang masabi kay ate. Wala lang kasi akong time para tumawag eh.” Tugon naman ni Cheche. “Ganun ba? O siya, andito na tayo sa function hall. Iwan na kita ha mag aaral pa kasi kami ni Yheng sa math” banggit ni Jade habang naglalakad papalayo kay Cheche.

Pagdating sa kanilang bahay nagpalit ng damit si Jade at nagaus ng gamit. Ilang oras pa ay nagtext na sa kanya si Alfed.

Bhaby, nakauwi na poh aqo. Kamusta ka na? Nga po pala meron kaming feild trip sa EK. Hindi ko pa poh alam kung sasama ako. Kamuztah araw mo? Hehehe mwaah tsupx.

“May trip sila Alfred sa EK? Naku malapit lang kami doon ah hahaha. Sayang hindi ako marunong pumunta doon atsaka hindi ako papayagan ni mama. Sabagay magkikita nanaman kami ng bhaby ko weh. Nakakaexcite pumunta sa Bulacan.” Sabi ni Jade sa kanyang sarili habang nagtetext back kay Alfred.

Kinabukasan nagkita sina Cheche at Jade sa tapat ng Elbi Square. “Cheche! Malapit na magsem ender anu na balita? Pumayag na ba si ate?” tanong ni Jade habang inaabutan ng yellow pad si Cheche. “Naku Jade, hindi ko pa kasi alam. Parang ayaw ni ate weh. Sorry talaga ha mauna na ako may klase pa ako ngaun eh.” Sambit ni Cheche. Nang narinig ni Jade na hindi matutuloy ang kanilang sem ender, unti unting nadurog ang kanyang mga plano at dahan dahang pinipilas ng mga katagang “HINDI MATUTULOY” ang puso ni Jade dahil hindi niya makakasama ang pinakamamahal niyang si Alfred. Ang mas kinalungkot ni Jade ay ang kadahilanang umaasa si Alfred na magkikita sila. Ayaw niyang maging malungkot si Alfred dahil bilang isang girlfriend, ang makita o malamang malungkot ang kanyang kasintahan ng dahil sa kanya ay isang bangungot.

Kinagabihan habang nagbubuntong hininga, tinawagan niya si Alfred at sinabi ang masamang balita. “Alfred, mukhang hindi kami matutuloy sa Bulacan. Lalo pa’t dumaan ang bagyong Ondoy. Baha ngaun sa rest house nila Cheche. Im so sorry kung pinaasa kita. Hindi ko akalaing hindi pala matutuloy ang 5 buwan nating paghihintay.” Banggit ni Jade habang naluluha. “Ano? Hindi kayo matutuloy dito sa Bulacan? Sayang! Sayang ang lahat ng plano ko. Hindi ba talaga pwede? Pilitin mo naman oh. Gusto na kitang Makita, gusto na kitang makasama. Ang tagal kong hinintay na ikaw ay aking mayakap. Jade! Please!” tugon naman ni Alfred. Hindi na lamang nakakakibo sa Jade ay hindi na din niya napigilang lumuha. “Alfred, ayoko din naman mangyari ito eh. Huhuhu! Gusto na din kita makasama. Araw araw kong pinapanalangin na sana isang araw makita na kita. Sorry talaga! Hindi ko na alam gagawin ko. Napakasama ko. Ayokong paasahin ka. Hindi ko talaga intension iyon.” “Tama na, wag ka ng umiyak. Kaya kong maghintay. Hihintayin kita bhaby ko. Baka hindi pa ito ang tamang oras na magkikita tayo. May ibang plano ang diyos. Tahan na.” Doon natapos ang kanilang gabi, pananalig sa Diyos ang bumalot sa magkasintahan. Hindi sila nawalan ng pag-asa dahil alam nila na gagawa at gagawa ng paraan ang tadahana para sila ay magkasama.

“Jade, ayos ka lang? Hindi na daw tuloy ang sem ender natin sa bulacan. Ano sabi ni Alfred?” tanong ni Pauleen kay Jade habang hinihigit sa upuan. “Naintindihan naman niya. Pero alam kong disappointed siya kasi 5 months naming hinintay ang pagkakataong magkasama kami. Nakakapanghinayang lang kasi, Pauleen.” “Hay nako, madami naman tayo pwedeng gawin sa sem ender. Mag swimming? Mag lakwatsa sa mall o kaya mag EK na lang tayo? The possibilities are endless ika nga nila.” Banggit ni yheng habang natatawa dahil sa napa-english siya. “Wow! Yheng kaw ba yan? Hahaha! Oo nga naman Jade madami pa tayo pedeng gawin atsaka kung hindi pa ngayon ang tamang oras, maghintay ka na lang mahal mo naman siya diba?” sabi ni Pauleen habang hinahampas si Yheng. “EK? Gusto niyo EK na lang tayo? Kaso wala tayong wheels. May pera ba kayo? Alam ko may discount nagun kasi may promo sa EK ngaun.” Sabi ni Jade habang tumayo at napaisip. “Ok lang sakin, si Jasmine meron atang kotse. Tanungin natin baka pede siya. O kaya si Nikka.” Alok ni Yheng kay Jade habang tinext ang mga barkada nito. “Ok sige. Text mo ako kapag pwede ha. Uuwi na ako may finals pa ako sa botany bukas” sabay alis ni Jade at sumakay na ng jeep pauwi sa kanila.

Pagkauwi ni Jade, tinext niya kagad si Alfred at sinabi ang mabuting balita. “Bhaby, sa EK na lang tayo magkita? Atleast iyon matutuloy na atsaka malapit lang iyon dito sa amin.” “EK? Sige, gagamitin ko ipon ko para makabayad sa trip. Yehey! Makakasama ko na bhaby ko! Hindi na ako makapaghintay.” Tugon naman ni Alfred. Sa buhay hindi lahat ng bagay ay puro masamang balita kahit pa sabihin natin tayo ay nalugmok sa kalungkutan hindi ibig sabihin noon hindi ka na makakatamasa ng kaligayahan. Sa pagkakataong ito, ang masamang balita ni Jade ay napalitan ng mabuting balita at pag-asa na sila ni Alfred ay magkakasama na sa wakas.

Ilang araw ang lumipas at inakala ni Jade na meron na silang gagamiting sasakyan papunta sa EK ng biglang lumapit sa kanya si Jasmine. “Jade, hindi pwede ang kotse namin kasi lumubog sa baha lahat ng sasakyan namin. Sorry pano na yan commute tayo papunta doon?” “Huh? Naku! Hindi ako papayagan kapag ganun. Pano na yan. Ang alam ni mama may auto tayo. Patay. Gusto ko na talagang makita si Alfred pano na yan.” Sabi ni Jade habang natulala sa mga pangyayari. “Guyz! Anu na? Tuloy pa ba tayo sa EK. Hindi din pwede si mama sa Saturday. Luluwas kasi siya hindi pwede ung van.” Sambit ni Nikka habang lumalapit sa kanila. “Si pauleen ba? Hindi ba pwede yung kanila? Yheng ikaw ba ung sa ninang mo? Wala na ba tayo mahihiraman?” kinakabahang tanong ni Jade sa kanila. “Hindi pwede eh” ang sagot nilang lahat kay Jade.

Umuwi ng luhaan at disappointed si Jade. Hindi niya alam ang sasabihin kay Alfred dahil baka masaktan nanaman ito kaya nilihim niya ito kay Alfred. Nang gabing iyon nagtext sa kanya si Nikka. “Jade, meron na tayong mahihiraman. Yung friend ko may kotse pede natin siyang pakiusapan na hatid tayo at sunduin sa EK.” “Talaga?! Naku maraming salamat Nikka! Pakisabi sa kanya salamat! As in salamat!” dito na nagsimulang mawala ang mga takot ni Jade na baka masaktan niya si Alfred. Agad agad nag group message si Jade kanila: Yheng, Jasmine at Pauleen na tuloy na tuloy na ang knailang sem ender sa EK.

Kinabukasan habang si Jade ay pauwin galing sa campus. Nagtext si Alfred sa kanya sabi ni Alfred.

Bhaby, excited na akong makita ka bukas. Hindi ko na alam gagawin ko kapag nakita kita. Nahihiya ako. Hehehe. Pero syempre sa umpisa lang iyon. Bhaby kita kits bukas. I love you.”

Habang binabasa ni Jade ang text ni Alfred napapangiti ito at mismo sa kanyang sarili ay hindi makapaniwalang magkikita na sila ni Alfred. Pagdating niya sa kanilang bahay mga 7pm, may nareceive siyang text mula kay Nikka. “Jade! Gago talaga si Mike! Niloloko lang pala tayo na ihahatid niya sa EK! Pinaasa lang tayo! Wala na tayong kotse bukas!” “anu?!!? Anu ba ito! Baka pede siyang pakiusapan? Nikka! Pilitin mo naman oh! Bukas na ung lakad natin!” nag aalalang sabi ni Jade kay nikka. “Ayoko na iyon kausapin kayo ang kumausap doon nababadtrip lang ako! Gago siya!”. Doon na nagsimulang magpanic si Jade dahil kinabukasan na ang trip ni Alfred at nagkaroon pa ng problema. Nagsinungaling pa si Jade sa mama niya na may maghahatid at susundo sa kanila sa EK. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Sila yheng badtrip na din ng naalala ni Jade na may owner jeep ang kanyang tito. Tinext niya ito ng 11pm at umaasang pede ito para bukas. Habang katxt ni Jade si Yheng may nabasa siyang kanyang ikinatuwa.

“Bukas? 10am? Ok sige punta na lang ako diyan. Gudnyt”

Sender: Tito Edward

Napamura sa tuwa si Jade at agad na nag group message sa mga kasama sa EK kinabukasan. “Guyz!! SOLVE NA! IPAGDRIDRIVE TAYO NI TITO BUKAS!! GRABEH! TULOY NA TULOY NA TAYO! WALA NG MAKAKAPIGIL SA ATIN! KITA KITS DITO SA BAHAY NG 9AM HA! WALANG MALALATE! GRABEH! THIS IS IT! WO0O0OHO0O0O!!” sabi ni Jade habang napapangiti sa dilim. Kinaumagahan binanggit ni Jade sa mama niya na si Tito Edward and maghahatid sa kanila. Gumaan ang loob ni Jade dahil hindi na niya kelangang magsinungaling sa kanyang mama para lamang makita si Alfred. May basabas siya ng kanyang mama kaya hindi na natatakot si Jade na baka mahuli siyang nagsisinungaling.

10 am na at sabay sabay na silang sumakay sa mainit, maliit at masikip na kotse pero hindi iyon inintindi ni Jade. Ang tanging nasa isip niya ay makita ang kanyang pinakamamahal na si Alfred. Niloko pa nga niya ito na hindi sila matutuloy. Pagdating sa EK abot hanggang batok ang ngiti ni Jade hindi mapinta ang kanyang mukha sa sobrang kagalakan. Mga past 2 na ng mareceive ni Jade na nasa EK na ang school ni Alfred. “Guyz! Dumating na daw siya! Wait lang naiihi ako! Ihi muna tayo please!” sabi ni Jade habang nagmamadaling pumunta sa Cr. “Hay nako iba na talaga kapag kinakabahan! Yihee! Makikita na ni Jade si Papa Alfred hahahah” banggit naman ni Pauleen. Habang naihi si Jade bigla itong kinatok ni Pauleen. “Jade! Andyan na si siya! Lumabas ka na diyan!” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jade at nagsimulang mataranta. Lumabas ito at may naaninag na parang si Alfred sa malayo. “Yheng!!! Hindi ako makahinga! Grabeh! Yheng! Eto na siya!!” sigaw ni Jade habang yumayakap at nagtatago kay Yheng. “Tol, easy ka lang! Ayos tol. Matino. Promise matino si Alfred ayan na!!!” sambit ni Yheng habang kinakalas sa pagkakayakap si Jade.

Dito na unang nagkita sina Jade at Alfred at abot hanggang langit ang kanilang ligaya ng sila ay nagkasama. “Hindi ako makapaniwala.” Ang tanging nasabi ni Alfred ng nakasama niya si Jade. “Ako din. Finally magkasama na tayo. Nakakatuwa. Nahihiya ako hahahaha” tugon naman ni Jade. Isang memorable na araw iyon para kay Jade dahil kinausap pa ng mama niya si Alfred, tinatanong kung magkasama na tayo. Isang senyales na legal sila sa mata ng Diyos, legal pati sa mata ng kanilang mga magulang at ibang tao. Habang nakaupo sa isang bench binigay ni Alfred si Chicklet. Isang stuff toy na nakasuot ng isang chicken costume. Tuwang tuwa si Jade sa kanyang natanggap at binigay naman niya ang kanyang regalo kay Alfred, isang couple chain. Hindi na mapaghiwalay ang dalawang magkasintahan noong araw na iyon. Sila ay may sarili ng mundong ginagalawan at tanging ang kanilang pagmamahalan ang kanilang nakikita sa bawat sulok ng Enchanted Kingdom. Pagabi na ng kumain sila ng hapunan. Sobrang sweet ng dalawa pero lahat ng masasayang pangyayari ay may kasunod na kalungkutan. Kinelangan ng umuwi nila Alfred. Dito na sila nagsimulang mangulila sa isa’t isa.

“Alfred, 7pm na hated na kita sa exit.” Sabi ni Jade habang hawak hawak ang kamay ni Alfred. “Uhmm... Jade, saglit picture muna tayo sa tapat ng carousel. Saglit lang” “Ah ok sige.” Nagpunta ang dalawa doon at nagkukuha ng pictures. Kinelangan ng umalis ni Alfred kaya dito na niya sinabi ang huling kahilingan niya. “Jade, aalis na ako. Pwede bang mag goodbye kiss ako saiyo?” Hindi alam ni Jade ang kanyang gagawin bumibilis na ang tibok ng puso niya. Dahan dahang lumalapit ang labi ni Alfred sa kanyang labi ng biglang....“Wag! Madami kasing tao.” Sabi ni Jade habang umilag sa halik ni Alfred. “Isa lang. Matagal ulit bago kita makasama sige na.” Nagpanic si Jade kaya sumala ang halik ni Alfred sa kanya. “Ah ok sige. Sorry. Natataranta kasi ako.”

Naglakad papalayo si Alfred habang hawak kamay ni Jade. “Bhaby, I love you. Alis na po ako. Ayoko pa pero baka iwan kasi ako. I love you! Tandaan mo yun ha. Mamimiss kita.” “Ako din po mamimiss kita. Ingat ka po ha. I love you too.” Dito na nagkahiwalay ang dalawang magkasintahan. Habang naglalakad papalyo si Jade, hinahaplos niya ang kanyang labi at napapangiti. “Jade! Ano na? Asan na si Alfred?” tanong nila Jasmine, Nikka at Yheng. “Wala na, lumabas na” sabi ni Jade habang nakangiti. “Oh bakit parang ang saya mo?” tanong ni Yheng kay Jade. “huh? Wala. Tara na andyan na ata si tito. Doon na muna tayo sa labas.” Sabi naman ni Jade.

Lumabas ang mag kakaibigan at sa di inaasahan andoon pa pala si Alfred hinihintay si Jade. “Jade! Dito! Antagal niyo naman lumabas. Mamaya maya pa kami aalis.” “talaga? Lika tambay muna kami dito sa labas. Hinihintay pa naming ung sundo naming.” “Ganun ba? Bhaby ko, ansaya saya ng araw na ito. Hinding hindi ko ito makakalimutan.” “Ako din. Napakasaya ko ngayon. Sana maulit ulit. Kelan kaya ulit tayo magkakasama?” tanong ni Jade habang binibigyan ng ice tea si Alfred. “Darating din tayo diyan magkakasama din tayo bhaby ko. Ay naku ako na lang ata nasa labas. Balik na ako sa bus naming bye bye bhaby ko. Yheng, Jasmine, Nikka and Paula salamat ha. Ingat kayo ha.” At doon na tuluyang umalis ang bus nila Alfred at bumalik papuntang Bulacan.

Ang tunay na pag-ibig ay kahit kelan hindi natitinag ng kahit na anong klaseng pasakit. Ilang beses man magkaroon ng problema sa isang relasyon ang dalawang taong tunay na nagmamahalan, hindi sila kayang sirain nito sapagkat ang tunay na pag ibig ay parang ulap sa langit. Ilang beses man hipan ng hangin ng pagdurusa, mabubuo at mabubuo pa din.

Hindi dito nagtatapos ang storya nila Alfred at Jade. Madami pang maaring mangyari sa kanilang relasyong hinahangaan ng madami at inaasam ng kalimitan sapagkat sila ay may PAG-IBIG NA PANG HABANG BUHAY.

To be continued...


*(based on the author's personal experience)

No comments:

Post a Comment