“Higit sa isang kaibigan”
Sa buhay natin minsan tayong makakaranas na mag-kagusto sa isa sa ating mga kaibigan, minsan na tayong umasang magiging kayo baling araw at ito ay natupad, minsan na ring akalaing magiging maganda ang magiging katapusan ng paghihirap niyong dalawa, pero… minsan lang yun… Sa totoong buhay minsan lang mangyari ang mga “Happy Endings” minsan pa nga eh… hanggang “They live happily ever after” ang kaso MINSAN lang nga ito nagkakatotoo. Paano kung sa isa sa taong iyong tinuring na kaibigan ang nag iisang taong hindi nakakalaam ng iyong pagmamahal sa kanya dahil sa isa ka lamang kaibigan para sa kanya? Pero ang gusto mo ay maging HIGIT SA ISANG KAIBIGAN .
Gumising ng maaga si Jenny para pumasok sa isang pribadong eskuwelahan dahil sa isang exhibit nila doon. Si Jenny ay nasa high school pa lang pero madami na itong alam sa buhay dahil sa maagang namatay ang kanyang mga magulang at ang nag iisa nitong kamag-anak sa probinsya nila ay ang pinsan niyang si Kuya John. “Jenny!
“Uy guyz! Kamusta preparation?” banggit ni Krizzy “Oo nga? Kamusta naman yun? Hahaha! Uy Ela sinabi mo na ba kay Jenny yung…..” sabi ni Mandy nang hinigit ito ni Jason “Uy! Kamusta kayo? Hahahahaha! Uy! Mandy pwede bang tumulong ka doon? Tamad mo kasi!! hahahahaha!” sabi ni Jason habang tumatawa nang walang dahilan. “Uy! Jason alam mo ba? May sasabihin ako sayo! Grabeh talaga! Magugulat ka pero hindi naman gaano...
Nang sila ay nasa upuan na dahan dahang lumalapit si Jenny sa tabi ni Jason at unti unting kinukha niya ang kamay nito. “Jason alam mo ba may sasabihin ako sa iyo.” “Huh? Ano?....Uhm… ako din may sasabihin ako sa iyo… pero ano yung iyo?” sabi ni Jason habang ang lakas ng tibok ng puso niya “Ganun ba? Ano yung iyo?” “Sige… mauna ka muna di naman kasi masyadong importante yung akin…” “Ah ganun… Sige… Ganito ha wag kang magugulat ha! (sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jason) Alam mo ba yung pakiramdam na feeling mo wala kang pag-asa sa isang tao dahil sa sobrang kakilala mo yung tao, alam mo yung gusto niyang klaseng taong babagay sa kanya at sa tingin mo malayo ka dun sa taong ineexpect niya?” “OO!! Alam ko yung feeling na yun!!!” “Talaga?! Hehehe… hindi ko na patatagalin pa ito! Kami na ni Jake!” “Oo, mahal din… ano?!” “Kami na ni Jake! Alam mo yun? Kahapon ko lang sinagot siya!” “Ah….. ganun ba? Congrats Bez! Dalaga na Beztfriend ko! Yihee!!....” “Thank you talaga! Lam mo yan gusto ka sa iyo! Mapagkakatiwalaan ka talaga! Isa kang tunay na kaibigan! Luv yah Bez! Hahahahahahaha!” sabi ni Jenny sabay tayo at pumuntang stage para ipaalam sa iba pa niyang barkada ang nangyari.
Sobrang durog na durog and puso ni Jason ng marinig niyang mayroon nang syota ang pinakamamahal niyang bestfriend dahil sa araw ding yun nais niyang ligawan at ipaalam kay Jenny ang tunay niyang saloobin. Pagkalipas ng ilang minuto, hindi pa rin naalis si Jason sa may upuan nang dumating ang ilang kaibigan para pasayahin siya. “Jason, kamusta ka? Uy sinabi na saamin ni Jenny ang nangyari… Sorry to hear what she got to say… pero hayaan mo na lang…” sabi ni Krizzy habang tinatabihan si Jason sa upuan. “Hindi, ayos lang naman eh.. alam kong hindi niya ako kayang mahalin kasi hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin… Wag na kayong maawa dahil ok lang talaga sa akin (habang tumayo at naglalakad dahan dahan papalayo sa magbabarakda). “Jason, saglit! Umupa ka nga dito! Alam naming kaya ka sumama sa barkadang ito dahil kay Jenny! Alam namin na noong unang nakita mo si Jenny nagustuhan mo na siya kaya pwede ba?! Ipagtanggol mo ang nararamdaman mo! Hindi pa huli ang lahat para sa iyo, Jason!” sigaw ni Ela habang tumatakbo papunta kay Jason. “Oo nga! Hindi purket may B.F na siya hindi ibig sabihin wala ka nang pag-asa para sa kanya… hayaan mo tutulungan ka namin…” banggit ni Mandy habang tumitingin kay Jake at Jenny.
Pagkalipas ng ilang araw, natapos na ang exhibit at kailangan nang ayusin ang mga ginamit nila ng biglang…. “ARAY!!!!!!!” sigaw ng isang babae sa likod ng stage. “Uy! Sino yun! Jake tignan mo nga! Ikaw ang stage manager baka may napaano na doon!” banggit ni Edwin. “Huh? O sige.. saglit lang ha, Jenny pwede bang hintayin mo ko sa may room?” “Ok, ingat ka dun ha” “Itong dalawang ito pa-sweet moments pa! Samahan mo na si Jake, Jenny! Alam ko naming di mo matitiis na mawalay sa kanya ng ilang minuto!” sabi naman ni Krizzy. “Kayo talaga! Sige na nga sasama na… Tara Jake (Sabay holding hands ng dalawa at nagpunta sa stage)” “Oh, Jason ang cue mo ay kapag sinabi na ni Mandy na “Halika!” Dun ka pa lang papasok at hahawakan si Jenny at sabay takbo dun sa pinalanong lugar!” banggit ni Ela kay Jason habang tinetext si Mandy na paparating na ang dalawang magsyota.
“Oh, Mandy ikaw pala yung sumigaw? Napano ka?” tanong ni Jake habang tinutulungan si mandy na tumayo. “Aray! Nahulugan kasi ako ng box kaya medyo nasprain yung paa ko… Uhm… Jenny pwede bang…. Kuha mo ako ng yelo sa Canteen o sa Clinic… sige na… PLZ!!!” alok ni Mandy habang nagiinarte sa may upuan. “Sige.. saglit lang babalik ako kaagad…” sabi naman ni Jenny habang tumatakbo. “Uhm… Jake… alam mo ba na… Type na type kita?.... pwede bang… ehem… pa-kiss?” sabi ni Mandy habang nilalandi si Jake sa upuan. “Ano? Uhm… baka hindi mo naaalala… may girlfriend na ako at kabarakada mo pa! Helow?! Baliw ka ba?!” tugon naman ni Jake habang nilalayo si Mandy. “Baliw na kung baliw! Pero sa totoo baliw na baliw ako sayo! Sige na… wala naman dito si Jenny eh.. isa lang…kahit peck lang sa cheeks…” “Hindi, sorry pero…..” At papalapit na si Jenny sa may stage nang nakita niya na… “Anong pero.. HALIKA!” sigaw ni Mandy.
Nakita ni Jenny na hinahalikan ni Mandy si Jake sa labi. Nahulog niya ang yelong dala dala sa sobrang pagkabigla… at doon dumating si Jason. “Jake! Mandy! Anong ibig sabihin nito?! Pagnalaman ito ni Jenny! Patay kayo sa kanya! Ooopss… Oh… Jenny ok ka lang? kanina ka pa ba nandyan?” tugon ni Jason kahit na napaka panget umarte. “…….Jake?......” ang iisang salitang nabanggit ni Jenny. “Tara Jenny, mag-usap tayo! Let me explain! It’s not what you think it is!” paliwanag ni Jake habang inilalayo si Mandy. “Jenny, wag kang sasama diyan sa lalaking iyan!
“Krizzy, Ela, Edwin, hindi ko na kayang gawin pa ito kay Jenny! Hindi ko magagawang paiyakin siya! Nakokonsensiya ako dahil sa sinabi niyang pangako sa kanya ni Jake! Dati… bago ko siya makilala…. Pinangako ko sa sarili ko na kapag nahanap ko na yung taong karapatdapat para sa akin, hinding hindi ako magsisinungaling sa kanya, hindi hindi ko siya pahihirapan dahil alam kong mas mahihirapan ako kapag siya ang nahihirapan!" sigaw ni Jason habang tumitingin kanila Ela, Krizzy at Edwin. “Jason? Anong ibig mong sabihing taong karapatdapat para saiyo? Hindi mo siyang kayang pagsinungalingan? Ako ba ang tinutukoy mo? Ano?! Sabihin mo!!!” galit na galit na sinabi ni Jenny kay Jason habang hinahampas ito sa braso. “Oo! Ikaw! Matagal na akong may paglihim na paghanga sa iyo! Jenny, I LOVE YOU!”
“(biglang sinampal ni Jenny si Jason) Hayop! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Sa tagal tagal nating magkaibigan…bakit…bakit ngayon mo lang sinabi! Kung kelang….” “Kung kelan ano?” banggit ni Jason “Kung kelang nakalimutan na kita! Jason, minahal kita! Minahal kita HIGIT SA ISANG KAIBIGAN pero akala ko hindi mo ako magugustuhan! Jason, ang tagal kong naghintay na mag-tapat ka sa akin, akala ko wala ka talagang gusto sa akin kaya naghanap nalang ako ng bago!” Pagkatapos ng insidenteng iyon hindi nilang inaasahang umibang bansa si Jenny at nawalan na sila ng komunikasyon.
10 taon ang lumipas. Si Ela ay nagging top Model at nakapangasawa ng isa ding modelo, si Krizzy ay nagging isang professional dance instructor at ngayon ay maasawa na. Si Edwin, nakapunta na sa ibang bansa at mayroon nang fiancée na nag-nagngangalang Allie, si Mandy ay nagging psychologist at nakapg-publish na ng isang librong may pamagat na “Love is war when it comes to friendship”, si Jake naman ay mayroon nang asawa at 3 anak sa New Zealand. Si Jenny ay nagging isang writer at nagkaroon ng isang asawang Filipino na nag-ngangalang Andrew,isang kilalang business man at nagkaroon ng isang anak na lalaki, habang si Jason ay nagging isang Band singer at nagka-asawa at nagkaroon ng isang anak na babaeng nag-ngangalang…… Jennifer…..
THE END
like it, gudluck bez mis u
ReplyDeleteNICE STORY...I LIKE IT...
ReplyDelete