Friday, April 9, 2010

Gitara

“Gitara”

(Jona and Pao)

Ang gitara ay isang instrumentong nagpapaligaya sa mga tao dahil sa ganda ng ginagawa nitong tugtugin. Ang gitara ay isa din sa mga instrumento ng pag-ibig, dahil dito maraming tao ang nagkakamabutihan at nagkakasundo ng todong todo. Eto ang isang kuwento ng isang magkaibigan na nag “kaibigan” dahil sa gitara at dahil din sa gitara nalabanan nila ang masamang nangyayari sa kanilang pagkakamabutihan.

Isang araw sa isang private school, ang magbabarkada na sila K.C, Edison, Hanie, Meina, at Jona ay nag-uusap usap para sa gagawin nila sa kanilang mga practices. Si K.C ay ang pinakamatangkad sa kanila at masayang kasama, si Edison naman ay ang pinakamatalino sa kanilang lahat at nakakatawa, si Hanie naman ang pinakamaitim sa kanila pero palabiro, si Meina ay ang may noong malaki pero hyper na hyper at si Jona ang pinaka mataba sa kanila pero mabait. Nagpasiyahan nilang mag practice ng sabado para mas maganda ang presentasyon nila.

Silang magbabarkada ay masasayang tao kaya close sila sa mga kaklase nila ma babae man o lalaki. At meron silang kanya kanyang partner sa kanilang room. Si K.C nalilink kay Kiko, si Kiko ay magandang kumanta at mabait na mabait sa kanya, si Edison naman ay nalilink kay Mean, si Mean ay magaling mag narrate at maganda ang porma, si Hanie ay nalilink kay C.J na minsan mayabang at minsan naman mabait, si Meina kay Len, si Len ay maliit pero matalino at mabait, Si Jona naman ay kay Pao, si Pao ay mabait at magaling tumugtog ng gitara.

Nung panahong iyon papunta sina Edison at Jona sa Baguio para mag seminar ng YMCA. Si Jona noon ay may ibang kasama sila ay sina Ela at Allibel. Sa YMCA bumili si Jonan ng 2 pares ng kuwintas, isa sa kanya at isa para kay Pao, nagpagawa din siya ng isang keychain na may pangalan ni Pao. Pagbalik nila sa kanyang school, nagkataon naming nandun sa room si Pao at di pa niya binigay yung kanyang mga pinamili. Hinanap niya muna sila K.C, Hanie at Meina. Biglang bigla naman yung tatlo “Hoy! Kamuzta trip niyo sa YMCA?” tanong ni K.C “Ok, lang muzta plot natin Hanie? May tumubo na ba?” sagot naman ni Jona “Ok lang, eto nagbubunot ng damo kasi puro damo tumubo at hindi ampalaya!” “Hoy! Muzta!” sabi ni Meina “Ok lang tara punta muna tayo room” binanggit ni Edison.

Pagbalik nilang room wala lang balik pa rin sa dati wala masyadong nangyayari. Hanggang ilang linggo ang lumipas at nagkaroon na ng lakas sabihin ni Jona ang kanyang nararamdaman. “K.C wag niyo kong pagsasabihan ng maarte kapag nabasa niyo ito ha? Kasi gusto ko lang talagang maalis sa dibdib ko ito eh.” Wika ni Jona “O sige, ano bay un?......(binabasa ang sulat) Naku! Naseselos ka!? Kanino at bakit naman?” “Kasi ganito yan, hindi naman ganun katindi inexaggerate ko lang yan pero wag mo itong sasabihin ha!.....nag seselos ako kay Meina dahil masyado siyang close kay Pao. Pero ok lang sa akin kaya nga ang title nan eh “Bigo nanaman sa Pag-ibig” Alam ko na wala akong pag-asa kay Pao kasi panget ako at maganda si Meina.” “Tanga! Bangag ka talaga! Wag ka ngang mag isip ng ganyan!”

“Oh, bakit ano ang nangyayari sa inyong dalawa? Kuwento naman diyan oh” sabi ni Meina at Edison “Oo nga” Dugsong ni Hanie. Inabot si Jona ang sulat at sabay sabay silang nag react ng bakit daw ganun ang nangyayari at iniisip ni Jona. Hindi na lang kumibo si Jona at nagpasiya na kalimutan na lang ang nagawang sulat. Pagkalipas ng ilang araw habang gumagawa ng mga project sa math si Jona, sila K.C, Hanie, Meina, Kiko, Ibaro at Pao ay nag uusap naman ng kung sino-sino ang crush nila o nagugustuhan nila sa room. Hindi naririnig ni Jona ang pinag uusapan nila pero alam niya kung ano ang pinag uusapan ng 6 na iyon kasi nahahalata niya na.

Pero hindi siya naniniwala sa kanyang nararamdaman kasi napaka imposible. Isang sabado, habang naglalaro ng basketball si Pao at si Jey,si Jona naman at sina K.C at Hanie ay nagkukuwentuhan. At dina talaga kaya ng utak ni Jona ang mga nahahalata, niya dineretso niya na si K.C habang naglalaro ng baraha. “K.C, puwede bang magtanong?” “O sige ano ba yun?” “Alam ko na napakaimposible pero may nahahalata kasi ako eh,….” “Tunkol san ba?” “Ganito, may alam ka ba na di ko alam?” “Ano ibig mong sabihin? Di ko ma-gets?” “Sige na nga ganito, may gusto ba sa akin si Pao?” “Ewan ko gusto mo tanungin ko?” “Wag na lang, sige thanks.”

Pagkalipas uli ng ilang araw talagang nahalata na niya at may nag sabi sa kanyang isang matalik na kaibigan na 22o iyon. Piyesta noon at kasama ni Jona ang pinsang babae na si Trina, pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sinalubong kaagad siya nila K.C, Hanie at Meina. “O! Bakit di ka pumasok! Lagot ka! Joke lang oh ganito gagawin natin sa play…. Sandali sino yan?.... yan ba si Trina na sinasabi mo na sabik na sabik kaming makilala nila Kiko at Pao?” Sabi ni K.C “OO, bakit? Basta sige pasok muna ako sa room.” Sagot ni Jona. Pag pasok sa room eh bigla ba naming sinabi ng mga kaklase ni Jona ang lahat ng tao sa room at pinakilala kung kanino kanino. Pero ang pinakamalala pa doon, “Hoy! Alam mo ba yang ate mong yan may syota na?! si Pao syota niya!” sabi ni Gema “OO nga! Pakilala kita tara sama ka sa akin.” Dugsong ni Hanie. Di makakibo si Jona at Trina kaya hinayaan na lang.


Doon talaga napansin ni Jona ang totoo pero hanggang sa ngayon di pa rin siya naniniwala doon kasi talagang napaka imposible! Kinabukasan nun palagi na silang tinutukso sa isa’t isa. Nakaraan ang isa pang lingo at nag dala ng gitara si Pao, doon pa lamang nalaman ni Jona marunong tumugtog ng gitara si Pao, hinayaan niya ito kasi ayaw niyang malaman ni Pao na lalong nahuhulog ang loob ni Jonas sa kanya kasi isa sa gusto ni Jonas sa isang lalaki ay marunong mag gitara at kumanta.

Nang lunes na iyon dinala ni Pao ang gitara doon lalo talagang nabighani si Jona. Pag tumutugtog si Pao ng gitara para bang lahat ng masamng nangyayari kay Jona ay nawawala at isa pa dito ang pagiging selosa niya. “K.C Putik! Ang galing tumugtog ng gitara ni Pao!” “Oo nga.” “Pati si Kiko magaling din” “Oo nga.”. Dahil din sa gitarang iyon nagkabati uli si Kiko at K.C dahil noon medyo umiiwas si K.C kay Kiko. Sa tulong na rin ni Jona nagkabati muli ang dalawa.

Isang sabado, nagkamabutihan na talaga si Jona at Pao,si Pao naman ay tuloy pa rin sa pagtugtog ng gitara ng biglang dumating sina Kiko, Chris, Jaey, at Ibaro. “Tol! Tama na yang pag tugtog mo ng gitara laro naman tayo ng basketball?!” alok ni Chris. “Tol mamaya na. tatapusin ko lang ito para makompleto ko na at parinig ko kay Jona.” “Tol, di kita talaga maintindihan? Bakit mo ba yun nagustuhan?” Habang iyon ay sinasabi ni Ibaro papalapit naman sila Jona, Meina, Hanie, K.C at Edison sa likod nila Kiko, Chris, Jaey, Ibaro at Pao,tapos narinig nila: “OO nga!? Tol di mo ba napapansin hah?” bangit ni Jaey “Ang alin naman?” sabi ni Pao

Alam mo na ung katawan ni Jona hindi maganda at ang mukha niya napakapangit!” sabi ni Ibaro at Chris kay Pao “Oo nga napapansin ko din yun! Hahaha! Ang taba taba!!!” wika ni Kiko “Sabagay, mataba naman at madaming pimples siya! Hahahaha!” sabay tawa ni Pao “Alam niyo mas gusto ko pa si Meina kaysa kay Jona kasi si Jona mataba, panget, madaming pimples at ang panget panget ng ilong! Di katulad ni Meina maganda maputi at makinis ang balat isa pa taga- italy ata iyon!” dugtong pa ni Pao. Hindi lang alam ng mga nag-uusap na nasa likod lang nila si Jonan at hindi kumikibo dahil sa sobrang sakit at bigat ng kanyang nararamdaman. “Tol! Si Jona! Puta! Narinig ata!?” sigaw ni Kiko. “Jona?!” sabi nilang lahat. “O bakit? Bakit niyo ako tinatawag? Kala ko ba panget, mataba, madaming pimples at panget ang ilong ako! Bakit niyo ako kinakausap?” sabi ni Jona habang nag luluha ang mga mata. “Jona sandali lang.” sabi ni Pao “Alam mo ba kung gaano kasakit yung mga pinagsasabi mo? Para akong dinudurog unti unti! Alam mo ba kung gaano ka kahalaga sa akin Tapos eto pa igaganti mo sa akin? Ang sakit sakit!!!!”. Biglang tumakbo papalayo si Jona habang tumutulo ang kanyang luha ng pagkakamuhi sa sarili. Lahat sila nanahimik habang hinahabol ni Pao si Jona sumunod naman ang barkada ni Jona.

Masyado nang malayo ang natakbo ni Jona at napansin niya na wala na ang humahabol sa kanya. Nakarating sa siya Bakerhall at doon nag iiyak. “Bakit?! Bakit pa kasi ganito ang itsura ko?! Ayaw ko na sa itsura ko!” “Miss, naiwan niyo po ata ito sa may pinto?” wika ng isang matangkad na lalaki. “Ay di po sa akin yang sirang gitara. Pasensya na ho.” Habang tinitingnan ang sirang gitara lalong lumala ang pagkamuhi sa sarili kasi naala niya ang mga tugtugin ni Pao para sa kanya. “Sige po, miss pasensya na rin po. Um… Miss” “Bakit ho?” “Wag na po kayong umiyak kasi alam ko po yang nararamdaman niyo, Kung hindi mo ikakagalit narinig ko mga sinabi mo kanina. Eto po panyo.” Biglang alis ng lalaki habang iniwan ang sirang gitara sa tabi ni Jona. “Napakabait naman niya, sana nga matapos na tong pagluluha ko.” Hindi niya namalayan nakatulog na siya sa taas ng bakerhall sa may sulok ng hall sa tabi ng bintana.

Ginabi na at mag 7:00 na di pa rin Makita nila Pao si Jona nang biglang umulan. “Kaw kasi! Pano yan nawawala na si Jona! Ano sasabihin natin sa magulang noon?” sabi ni Hanie. “Kasalanan ko ang mga nangyayari at di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama. Diyos ko! Tulungan niyo po ako sa paghanap kay Jona pangako po di ko na po siya sasaktan.” Sabi naman ni Pao. Dahil sa lakas ng ulan nagpasya sila na tumigil muna sa bakerhall. Dala dala ni Ibaro ang gitara ni Pao at ibinigay ito sa kanya. “Tol sory ha. Hayaan mo pag nakita na natin si Jona mag sosorry ako.” “OK lang. doon muna ako sa taas tutugtog ako baka sakali marinig ni Jona.” Biglang akyat sa hagdan ni Pao.

Habang papaakyat si Pao sa taas may nakikita siyang babae na nakahiga na parang si Jona. Dali-dali niyang pinuntahan ito at sinigaw sa baba na nakita niya na si Jona. “Diyos ko po bakit nakapikit? Ano kaya ang nangyari? Puta! Mukhang pinukpok ng gitara sa ulo si Jona kasi nasira yung gitara.” “Tanga! Sira talaga yan! Natutulog lang yan. Tulog mantika yan hindi mo magigising ng ganyan ganyan lang.” wika ni K.C at Meina “Sandali tumugtog ka sakali maalala ka niya at magising yan.” Sabi ni Edison at Hanie. Tumugtog si Pao ng isang kantang di malilimutan ni Jona ang kantang “Kung wala ka” ng bandang hale. Tumutugtog si Pao ng tapat at bukal sa loob kaya napakaganda ng awit ang lumabas. Nagising si Jona habang nagluluha dahil sa naririnig na kanta. “Ano ang nangyayari? Anong oras nab a? Bakit kayo nandito?” “Jona, sorry! SORRY! Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko!” sabi ni Pao “……. Ok lang sorry din…..pasensya na gabi na eh aalis na muna ako. Bukas na lng tayo mag usap.” At nung gabing yun di makatulog sina Jona at Pao sa kakaisip kung anon a ang mangyayari sa kanila. Kinumagahan nag-usap ang dalawa sa Carabao park at doon nagkaliwanagan. Simula noon araw-araw na tumutugtog ng gitara si Pao para kay Jona kasi alam niya na dahil sa gitara iyong naayos ang problema ng dalawa. Sa susunod na kabanat ng “GITARA” ang kuwento naman nila K.C at Kiko. Sa susunod na kabanata…………….. magkikita muli tayo.

The end

No comments:

Post a Comment