Friday, April 9, 2010

Halik

“Halik”

Nakaranas ka na bang mahalikan ng isang taong hindi mo kaclose pero siya na pala ang magmamahal sa iyo panghabangbuhay. Sa storyang ito mapapatunayan ba natin ang “Find love you least expected.”?

Nagmamadaling pumasok sa school si Elissa, naligo ito kaagad, kumain at nagbihis. Si Elissa ay 2nd year college sa Laguna, Pagkatapos ng 30 mintues ng pagaayos sa sarili, lumabas na ito. Hindi siya nagmamadaling pumasok dahil siya ay malalate na pero araw araw niya itong ginagawa simula ng siya ay maging College sa isang kilalang school sa Laguna. Hinihintay niyang pumasok ang kanyang pinaka crush na lalake sa kanilang school na si Lee, Si Lee ang pinakamayaman, pinaka pogi, pinakatanyag sa kanilang campus dahil sa kanyang iba’t ibang talento at husay sa Academics.


Sumabay siya sa isa sa kanyang barkada na si Jenny, si Jenny ang kaibigan ni Elissa simula elementary. Sa gate iniwan siya doon dahil sabi ni Elissa na mauna na ito. “Elissa, ano bang ginagawa mo diyan sa gate. Kanina ka pa nakatayo diyan? Ah… alam ko na! Hinihintay mo nanaman ang pinakamamahal mong si Lee!” sabi ni Karla., si Karla naman ang kaibigan ni Elissa na top notcher sa kanilang school at nahirang “Scholar of the year”. “Sandali lang! malapit na yung dumating. Pag nakita ko yun ok na ako. Papasok na ako sa loob.” “Hay naku! Hintayin na nga kita.”.

Pagkalipas ng ilang sandali dumating na si Lee sa school sakay ang isang Crosswind na sasakyan. Paglabas ni Lee sa sasakyan., sumigaw si Elissa. Nagulat si Lee kaya tinanong niya kung ok lang ito. “Ok lang ako. Ikaw ok ka lang? Kamusta na? Muzta si Tita Pia? Anong nangyari sa aso niyo?” “Huh?? Ano? Hehehe. May problema ka siguro. Sige, aalis na ako baka ako malate eh, sige. Bye.” “Ano ka ba? Kung ano ano pinagsasabi mo diyan kay Lee!” banggit ni Karla kay Elissa habang si Elissa ay tumutulo ang laway sa pag alis ni Lee. “Huh? Anong sabi mo? Bakit? Nakita mo ba si Lee ang pogi!” “Hay naku! Tara na nga! Malalate tayo nan.” Pagkalipas ng ilang buwan ng pagkakabaliw ni Elissa kay Lee. Nagkamabutihan na ang dalawa at siyempre abot sa kalangitan ang saya nitong si Elissa dahil nakakapunta na ito sa bahay ni Lee at nakilala na ang mga magulang niya. “Elissa, pupunta ako sa isang party mamaya ha. Pasensya na kung hindi kita maisasama dahil party ito nila Maya. Next time sasama kita.” Banggit ni Lee kay Elissa “Ah ok. Ok lang may pupuntahan din ako mamaya kasama sina Karla at Jenny. Sige ingat na lang.” sabi ni Elissa sabay punta sa kusina at nag-ayos ng bahay nila Lee.


Gabi na at aalis na si Lee, umalis ito ng maaga at may dalang mga bulaklak. Nagtaka si Elissa kasi may dalang magagandang bulaklak itong si Lee pero hindi na lang niya ito pinansin. “Hoy Elissa tara na! malalate tayo sa party!” sigaw ni Maya sa labas, si Maya ang kaibigan ni Elissa na galing ibang bansa at nagging kaibigan niya dahil pinsan siya ni Lee. “Oh, bakit ka nandito? Kala ko ba may party ang pamilya mo?” “Huh? Ano? Anong pinagsasabi mo. Ewan ko sayo? Tara na baka tayo malate sa party!” “Sige na nga, sandali kukunin ko lang yung bag ko.”.


Pagkatapos ay umalis na ang mga ito pero hindi pa rin maalis sa isip ni Elissa bakit nagsinunanglng itong si Lee sa kanya. Pagdating sa party nakasalubong nila ang barkada ni EJ, si Ej ang lalakeng may gusto kay Elissa simula pa lang ng magkita ito sa school nila noong highschool pa lang sila pero hindi niya ito pinaalam sa iba, magaling siyang magtago ng nararamdaman sa isang tao. “Jenny! Nandito kami! Tara! Pasok na tayo sa loob” sigaw ng isa sa barkada ni EJ. Nagsaya ang lahat at nagsasayaw sa party. Habang nasayaw si Elissa may napansin siya na isang lalakeng kamukha ni Lee sa isang table at may kasamang babae. Hindi niya ito pinansin. Pagkalipas ng ilang saglit napagod na si Elissa at lumabas ng Party at pumunta sa likod ng gusali nito, dahil doon ay may isang lawa at mga malalagong puno. Habang siya ay nagpapahinga sa isang upuan, may narinig siyang boses na pamilyar sa kanya. Paglingon niya sa likod, doon nakita niya si Lee may kasamang magandang babae at binibigyan nya ito ng mga bulaklak.


“Lee! Anong ibig sabihin nito?!” sigaw ni Elissa “Um… kasi…” “Ano ba? Akala ko ba tayo na? Akala ko ba nagmamahalan tayong dalawa? Ipaliwanag mo ito sa akin! Ngayon din” “Sa totoo lang kahit minsan hindi kita minahal! Hindi ko kayang mag mahal ng isang mababang uri ng tao!” “Pero bakit mo ako pinakilala sa iyong mga magulang at pinatira sa inyong bahay? Huh?” “Kasi naghahanap kami ng isang katulong na magaling maglinis ng bahay! At siyempre libre pa! akala mo mamahalin kita?! Hindi!!! Ang panget mo at mahirap! Magkaiba tayo ng estado sa buhay!” “Lee, kaya kong magbago! Ano ba ang gusto mong baguhin ko? Gusto mo….” “Wala akong gusto sa iyo! Hindi ka karapat dapat na mahalin ng isang gaya ko na, mayaman at perpekto!” “Lee, ang sakit mo naming mag salita! Akala ko mabait kang tao!.... Alam mo! I made the biggest mistake of my life…. Nagmahal ako ng isang taong hindi kayang magsukli ng pagmamahal sa akin! Ang tanga tanga ko at naniwala pa ko saiyo! Ginamit mo lang ako! Ginawa mo akong isang laruan! Isang Puta!” sabay takbo ni Elissa sa kabilang kanto at umupo sa isang kahoy na upuan.


Doon dahan dahang lumapit si EJ, “Elissa ok ka lang ba? Bakit ka naiyak? May kailangan ka ba?” “Ej, ang sakit! Ang sakit sakit ng malaman na ang minahal mo ng lubos ay ginamit ka lang para gawing katulong!” “Alam mo, wag kang umiyak dahil hindi mo kasalan ang mga nangyayari. Siya ang may kasalanan. Alam mo, meron akong kukuwento sa iyo. Para hindi ka na malungkot.” “Sige, kailangan ko siyang makalimutan! Ayoko nang maalala ang mga nangyari ngayon.” “Noong ako ay nasa high school pa lang, may isang babae akong nagugustuhan kasi napakabait niya at masayahin. Sa tingin ko mahal ko na nga siya pero hindi ko sinasabi sa kanya yun, kasi baka lang ako mabigo. Isa pa para ko na nga siyang buhay dahil sa araw araw na lang,siya lang ang laman ng utak at puso ko.” “Huh? Anong nangyari sa kanya pagkatapos?” “Ayun, nagkahiwalay kami noong College, hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na mahal ko siya. Kasi, nalaman ko na may minamahal siyang iba. Pero ngayong nalaman ko na niloko lang siya, Eto ako at nagkukuwento sa kanya para malimutan niya ang kanyang masalimuot na pag-ibig. “Huh?....Ano? Panong nangyari….” Bago pa sabihin ni Elissa ang ibang detalye, hinalikan siya nito sa labi at hindi makapagsalita. Pagkatapos ay: “Mahal na mahal kita! Pasensya na kung ngayon ko lang sinabi ito sa’yo. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin ito saiyo eh. Patawad.” Sabi ni Ej habang hinahaplos ang mukha ni Elissa. “Ej, bakit hindi ko nalaman na ikaw lang pala ang hinahanp ng puso ko. Bakit pa ko nagbulagbulagan?! Ang tanga tanga ko! Nandito lang pala sa tabi ko ang taong magbibigay sa akin ng tunay na pagmamahal.” “Wag mong sisihin ang sarili mo, ako ang may kasalanan dahil hindi ko sinabi sa iyo ng maaga ang aking nararamdaman. Naging duwag ako. Ngayong ok na tayo. Magiging totoo na ako sayo.” “Ej, maraming salamat.”. sabi ni Elissa habang niyayakap si Ej.


Pagkalipas ng ilang buwan, nagging sila na ni Ej, nagkaroon ng isang midnight formal dance sa subdivision nila Ej, kaya sinama niya si Elissa at ang barkada nito. Nandoon din si Erwin, si Erwin ay ang kababata ni Ej simula ng lumipat sila sa subdivision na iyon. “Erwin! Muzta na tol? Eto nga pala si Elissa, girlfriend ko.” Sabi ni Ej habang kinakamayan itong si Erwin. “Ok lang ako tol. Aba kayo na pala? Hi, ako nga pala si Erwin, ang ganda mo naman. Sayang inunahan ako ni Ej.” Sabi ni Erwin kay Elissa. “Hi, nakukutawa ka naman, hehehehe….” “Puwede ko bang maisayaw itong si Elissa? Sige na. Sandali lang…” “Si Elissa? Ewan ko… pero….” “Sige na. Para ka naming hindi kaibigan.” “Sige na nga. Sasayaw ko muna yung iba.” “Thank you! Bait mo talaga tol.”.


Habang nasayaw ang dalawa sa dance floor unting unting dinadala ni Erwin si Elissa sa may labas. “Bakit tayo lumalabas?” tanong ni Elissa kay Erwin. “ May papakita ako sa iyo.” “Ganun ba?”. Nang nasa labas na silang dalawa, unti unting hinahalikan ni Erwin si Elissa. “Ano ba?! Ano bang ginagawa mo? Akala ko ba may papakita ka sa akin?” sabi ni Elissa habang tinutulak papalayo si Erwin. “Meron nga, papakita ko sa’yo kung pano….” “ Kung Pano? Anong gagawin mo ha? Tulong! Ej!” sigaw ni Elissa. “Elissa! Anong ginagawa mo Erwin? Elissa lumayo ka diyan!” Sabi ni Ej. “Oh, Ej, mabuti na lang at lumabas ka, gusto ko pa naman ikaw ang unang makakita ng aking gagawin.” Sabi ni Erwin habang hinahawakan si Elissa “Ej! Tulong! Hinahalikan niya ako kanina tapos may papakita daw siya sa akin kung pano….” Bago sabihin ni Elissa ang kanyang gusting sabihin sinuntok ito ni Erwin sa tiyan at nakatulog. “Elissa! Tarantado ka! Ano ba gusto mong mangyari, Erwin? Ano ba ginawa kong mali?” “Lahat! Gago ka pala eh?! Alam mo ba dahil sa’yo nawalan ako ng mga taong minamahal! Dahil sa iyo iniiwan ako ng aking mga girlfriend kasi sabi nila mas gusto ka nila kaysa sa akin! Alam mo ba, muntik na akong magpakamatay ng mabalitaan ko na pupunta ka sa party na ito!” “Erwin,wala akong kasalanan. At ano ang kinalaman ni Elissa dito? Wag mo na siyang damay pa!” “Si Elissa ang pinakamamahal mong babae, ngayon ako gaganti sa’yo! Tingnan natin kung gano kasakit mawalan ng minamahal sa buhay?! Papatayin ko itong si Elissa!” sabay labas ng isang kutsilyo at hinawakan ang leeg ni Elissa.


“Wag! Erwin, kaya pa natin itong pag usapan. Wag mo na lang siya patayin!.....Kung gusto mo….Ako na lang ang patayin mo! Wag siya! Nagmamakaawa ako sa iyo!” banggit ni Ej. “Tol, mas gusto kong nahihirapan ka!” Pagkatapos nun nilaslas ni Erwin ang lalamunan ni Elissa. “Elissa!!!! Hindi!!!” sigaw ni Ej. “Hahaha!!! Ano? Masakit ba? Ganyan ang nararamdaman ko kapag iniwan ako ng mga mahal ko sa buhay!” pagkatapos laslasin ni Erwin si Elissa siya naman ang nagpakamatay. “Diyos ko! Elissa! Bakit ba ganito ang nangyari! Maligaya na kami! Tapos mawawala na lang ng parang bula!!”. Pagkatapos ng sinabi niya unti unti niyang hinalikan si Elissa at sinabi “Mahal na mahal kita. Hindi kita malilimutan.” Doon natapos ang pag iibigan nilang dalawa. Simula noon hindi nag hanap pa uli ng babae si EJ, Pero masaya pa rin siya dahil nakilala niya si Elissa, ang kanyang minamahal.


THE END

1 comment: